Missing Manila

Umaga na, sumisikat ang araw
Muling lumipas ang isang gabi
Ayoko nang dumating pa ang bukas
Pagka't tayo'y magkakalayo

Pagdating ng araw at di na makita
Ala-ala ko sa'yo
Isang awit na galing sa puso
Alay ko sa'yo

Marami nang dinanas sa buhay,
Marami na ring minahal
Ngunit ibang-iba ang nararamdaman
Kapag kapiling ka na...

Pagdating ng bukas, maaring wala ka
At wala na ring iba
(Ikaw pa rin sinta)
Ito lamang ang tatandaan:
Mahal pa rin kita...
Mahal pa rin kita...